إعدادات العرض
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português Nederlands Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી አማርኛ ไทย پښتوالشرح
Nagtanong si `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga kadahilanan ng kaligtasan ng mananampalataya sa Mundo at Kabilang-buhay? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Manatili ka sa tatlong bagay: Una. Ingatan mo ang dila palayo sa anumang walang kabutihan doon at palayo sa pagsasabi ng bawat kasamaan at huwag kang bumigkas kundi ng mabuti. Ikalawa. Manatili ka sa bahay mo upang sumamba ka kay Allāh sa sandali ng mga pag-iisa, magpakaabala ka sa pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), at bumukod ka sa bahay mo palayo sa mga sigalot (fitnah). Ikatlo. Umiyak ka, magsisi ka, at magbalik-loob ka palayo sa nagawa mo na mga pagkakasala.فوائد الحديث
Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-alam sa mga landas ng kaligtasan.
Ang paglilinaw sa mga kadahilanan ng kaligtasan sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang paghimok sa pagpapakaabala ng tao sa sarili niya kapag nawalang-kakayahan siya sa pagpapakinabang sa iba sa kanya o nangamba siya sa kapinsalaan sa pagrerelihiyon niya at sarili niya kapag nakihalubilo siya sa mga tao.
Ang pagtukoy sa pagpapahalaga sa bahay lalo na sa sandali ng mga sigalot sapagkat ito ay kabilang sa mga kaparaanan para sa pag-iingat sa Relihiyon.