إعدادات العرض
Kami noon ay nagpapaluwal, noong nasa amin pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng zakāh ng pagtigil-ayuno alang-alang sa bawat nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-ari ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng tuyong yogurt o isang ṣā` ng sebada o…
Kami noon ay nagpapaluwal, noong nasa amin pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng zakāh ng pagtigil-ayuno alang-alang sa bawat nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-ari ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng tuyong yogurt o isang ṣā` ng sebada o isang ṣā` ng datiles o isang ṣā` ng pasas
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Kami noon ay nagpapaluwal, noong nasa amin pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng zakāh ng pagtigil-ayuno alang-alang sa bawat nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-ari ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng tuyong yogurt o isang ṣā` ng sebada o isang ṣā` ng datiles o isang ṣā` ng pasas. Hindi kami tumigil na nagpapaluwal nito hanggang sa dumating sa amin si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanya) habang nagsasagawa ng ḥajj o nagsasagawa ng `umrah saka nagsalita siya sa mga tao sa pulpito. Kabilang sa sinalita niya sa mga tao na nagsabi siya: 'Tunay na ako ay nakakikita na ang dalawang mudd ng trigo ng Sirya ay nakatutumbas sa isang ṣā` ng datiles.' Kaya umayon ang mga tao roon."} Nagsabi naman si Abū Sa`īd: {Hinggil naman sa akin, hindi ako tumitigil na nagpapaluwal nito kung paanong dati akong nagpapaluwal nito magpakailanman hanggat nabubuhay ako."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Oromoo Македонски ไทย Українська తెలుగు پښتو मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Ang mga Muslim noon ay nagpapaluwal ng zakāh ng pagtigil-ayuno sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at panahon ng mga Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya alang-alang sa nakababata at nakatatanda sa sukat na isang ṣā` ng pagkain. Ang pagkain nila noon ay ang sebada, ang pasas (ang tuyot na ubas), ang aqit (ang pinatuyong gatas), at ang datiles. Ang sukat ng isang ṣā` ay apat na mudd. Ang mudd ay nakatutumbas sa isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki. Noong dumating si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa Madīnah noon siya ay khalīfah at dumami ang trigong Siryano, nagtalumpati siya saka nagsabi: "Tunay na ako ay nakakikita na ang dalawang mudd ng trigo ng Sirya (kalahati ng ṣā`) ay nakatutumbas sa isang ṣā` ng datiles." Kaya umayon ang mga tao roon. Nagsabi naman si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): "Hinggil naman sa akin, hindi ako tumitigil na nagpapaluwal nito kung paanong dati akong nagpapaluwal nito sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magpakailanman hanggat nabubuhay ako."فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa sukat ng kawanggawa ng pagtigil-ayuno (ṣadaqatul fiṭr) sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at isang ṣā` ng pagkain kahit pa nagkaiba-iba ang uri at ang halaga.
Ang bawat pagkain ng mga tao ay nakasasapat para sa kawanggawa ng pagtigil-ayuno (ṣadaqatul fiṭr). Itinangi lamang sa pagbanggit ang apat na klase dahil ang mga ito ay ang pagkain ng mga tao sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagpapaluwal ng hindi pagkain gaya ng mga pera at mga salapi ay hindi nakasasapat para sa kawanggawa ng pagtigil-ayuno (ṣadaqatul fiṭr).
Nagsabi si Imām An-Nawawīy sa Ṣarḥ Ṣaḥīḥ: Kapag nagkaiba-iba ang mga Kasamahan, ang sabi ng iba sa kanila ay hindi higit na marapat sa sabi ng iba pa. Kaya sumangguni tayo sa ibang patunay, matatagpuan natin ang hayag na kahulugan ng mga hadith at ang analohiya (qiyās) ay nagkakasang-ayon sa pagsasakundisyon ng ṣā` ng trigo gaya ng iba pa rito kaya kinailangan ang pagkatig dito.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad sa hadith ni Abū Sa`īd ang taglay niya na tindi ng pagsunod at pagkapit sa mga ulat (athār) at pagwaksi ng pagdulog sa ijtihād kasabay ng pagkakaroon ng teksto. Sa ginawa ni Mu`āwiyah at pakikipagsang-ayon ng mga tao rito ay may isang katunayan sa pagpayag sa ijtihād. Ito ay mapapupurihan subalit ito, kasabay ng pagkakaroon ng teksto, ay tiwali ang pagsasaalang-alang.
التصنيفات
Ang Zakaātulfiṭr