Itong dalawang araw ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pag-aayuno sa kanila: araw ng Fitr niyo mula sa pag-ayuno niyo, at ang ibang araw: Kakain kayo sa araw na yan mula sa pag-aalay niyo.

Itong dalawang araw ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pag-aayuno sa kanila: araw ng Fitr niyo mula sa pag-ayuno niyo, at ang ibang araw: Kakain kayo sa araw na yan mula sa pag-aalay niyo.

Mula kay Abu Abeed, ang taga-pagtanggol ni Ibn Az-har, ay nagsabi: Nasaksihan ko si Al-eed kasama si Umar Ibn Alkhattab -Malugod si Allah sa kanya-, ay nagsabi: "Itong dalawang araw ay ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pag-aayuno sa kanila: araw ng Fitr niyo mula sa pag-ayuno niyo, at ang ibang araw: Kakain kayo sa araw na yan mula sa pag-aalay niyo.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ginawa ng dakilang Allah sa mga muslim ang dalawang araw na sila'y dalawang pista para sa mga muslim, ang bawat sa kanila ay may kaugnayan sa relihiyong ritwal, ang araw ng Fitr (pag-putol ng ayuno) ay may kaugnayan sa kaganapan ng pag-ayuno, dahil doon obligado sa isang muslim na putulin ang kanyang ayuno sa araw na iyon bilang pasasalamat sa dakilang Allah sa kaganapan ng grasya ng pag-ayuno at pagpakita sa grasya ng Fitr na kung saan iniutos ito ni Allah pagkatapos ng pag-ayuno, Sabi ng dakilang Allah: (at kompletohin niyo ang IDDAH (bilang ng mga araw na nakaligtaan ang pagsagawa ng pag-ayuno sa kanya) at luwalhatiin ang dakilang Allah sa gantimpalang inihandog niya sa inyo at nawa kayo ay magpasalamat sa kanya) Adh-dhariyat:17, at ang pangalawang araw ay ang araw ng Eid Al-adha at siya ay nauugnay sa seremonya ng mga pagbigay o regalo at pagkatay, dahil ang mga tao ay magbibigayan at magkatay at magpakita ng mga sawikain ng dakilang Allah sa pamagitan ng pagkain sa araw na yon, kaya obligado sa isang muslim na hindi mag-ayuno sa dalawang araw na ito, at ipinagbawal sa kanya ang pag-ayuno sa araw na ito.

التصنيفات

Ang Ipinagbabawal Para sa Nag-aayuno