إعدادات العرض
Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī.…
Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî සිංහල Русский Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Македонски ไทย తెలుగు Українська मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasyالشرح
Nagpapabatid ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong ibinaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop}, ay nagpapakahulugan sa Qur'ān at nagdadali-dali sa pagsunod sa utos ni Allāh (napakataas Siya) sa sabi Nito (Qur'ān 110:3): {magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya.} Kaya siya noon ay nagpaparami ng pagsabi sa sandali ng pagkakayukod niya at pagkakapatirapa niya sa sandali ng ṣalāh ng: "Subhanāka (Kaluwalhatian sa Iyo)" bilang pagpapawalang-kinalaman sa Iyo sa bawat kakulangan palayo sa hindi naaangkop sa Iyo. "Allāhumma rabbanā wa-bi-ḥamdik. (O Allāh, Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo.)" sa pamamagitan ng pagbubunying pinapupurihan sa Iyo dahil sa kalubusan ng sarili Mo, mga katangian Mo, at mga gawain Mo. "Allāhumma -ghfir lī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Magpawi Ka sa akin ng pagkakasala ko at magpalampas Ka sa akin nito.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpaparami ng panalanging ito sa pagkakayukod at pagkakapatirapa.
Ang paghingi ng tawad sa katapusan ng buhay ay may isang pagtawag-pansin na magpawakas ka ng mga pagsamba gayon din – lalo na ng pagdarasal – sa pamamagitan ng paghingi ng tawad upang mapunan ang nangyari rito na kakulangan.
Ang pinakamaganda na ipinangsusumamo kay Allāh sa pagtanggap ng panalangin ay ang pagsambit ng dhikr ng mga kapurihan Niya, pagluluwalhati sa Kanya, at pagpapawalang-kinalaman sa Kanya sa mga kakulangan at mga kapintasan.
Ang kainaman ng paghingi ng tawad at ang paghiling nito sa bawat kalagayan.
Ang kalubusan ng pagkamananamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagsunod niya sa utos ni Allāh.
التصنيفات
Ang mga Dhikr sa Ṣalāh