O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling

O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling

Ayon kay `A'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalaw noon sa ilan sa mag-anak niya. Hinihipo niya ng kanang kamay niya at nagsasabi: O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin Mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling; walang pagpapagaling maliban sa pagpapagaling Mo, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Siya noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag dumalaw sa ilan sa mga maybahay niya: sa sinumang nagkasakit sa kanila. "Hinihipo niya ng kanang kamay" ay nangangahulugang "hinihipo niya ang maysakit" at binibigkas dito ang panalanging ito: "O Allah, Panginoon ng mga tao..." Nagsusumamo siya kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pamamagitan ng pangkalahatang Pagkapanginoon Niya sapagkat Siya ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ang Tagapaglikha, ang Tagpagmay-ari, ang Tagapapangasiwa sa lahat ng mga bagay-bagay. Inalis Niya ang kapinsalaan, ang karamdaman na dumapo sa maysakit na ito. Ang pagpapagaling ay ang pag-aalis ng karamdaman at ang pagbuti ng maysakit. Ang Ash-Shāfī ay kabilang sa mga pangalan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil Siya ay nagpapagaling sa maysakit. Ang "walang pagpapagaling maliban sa pagpapagaling Mo" ay nangangahulugang pagpapagaling ni Allah. Ang pagpapagaling ni Allah ay hindi pagpapagaling ng iba sa Kanya. Ang pagpapagaling ng mga nilikha ay walang iba kundi isang kadahilanan. Ang tagapagpagaling ay si Allah. Hiniling niya kay Allah na ang pagpapagaling ay maging lubos na pagpapagaling na wala natitirang karamdaman, ibig sabihin, walang natitirang sakit.

التصنيفات

Ang Ruqyah na Pang-Sharī`ah, Ang mga Kaasalan ng Pagdalaw sa Maysakit