Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa-lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allah na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang…

Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa-lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allah na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga;

Ayon kay Abān bin `Uthmān na nagsabi: {Nakarinig ako kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allah sa kanya) na nagsasabi: Nakarinig ako sa Sugo ni Allah (s) na nagsasabi: Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa-lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allah na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga; at ang sinumang magsabi nito nang tatlong ulit kapag nag-umaga, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa gumabi." Nagsabi ito: Tumama kay Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa, saka nagsimula ang lalaki na nakarinig mula sa kanya ng hadith na tumingin sa kanya, kaya nagsabi siya rito: "Bakit ka tumitingin sa akin?" Sumpa man kay Allah, hindi ako nagsinungaing kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan) subalit ngayong araw na tumama sa akin dito ang tumama sa akin, nagalit ako saka nakalimot ako na magsabi nito.}

[Tumpak]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (s) na ang sinumang nagsabi nang tatlong ulit sa umaga ng bawat araw matapos ng pagsapit ng madaling-araw at sa hapon ng bawat maghapon bago ng paglubog ng araw ng: "Bismi -llāhi (Sa ngalan ni Allah)" – nagpapatulong ako at nagpapakaingat ako laban sa tagaperhuwisyo – "-lladhī lā yaḍurru ma`a (na walang nakapipinsala sa)" – pagkasabay sa pagbanggit sa – "-smihi (pangalan Niya)" – na alinmang – "shay'un (bagay)" – maging gaano man tumindi ito – "fi -l'arḍi (sa lupa)" – at lumalabas mula rito na pagsubok – "wa-lā fi -ssamā'i (ni sa langit)" – at bumababa mula roon na pagsubok – "wa huwa (at Siya ay ang Madinigin)" – sa mga sinasabi natin – "[a]l`alīm (ang Maalam)" – sa mga kalagayan natin. لا شيء فيه Ang sinumang nagsabi nito kapag gumagabi, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa mag-umaga. Ang sinumang nagsabi nito kapag nag-uumaga, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa gumabi. Dumapo sa tagapagsalaysay ng hadith na si Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa, na panlalambot ng kalahati ng katawan Nagsimula naman ang lalaki na nakarinig mula kay Abān ng hadith, na tumingin sa kanya habang nagtataka. Kaya nagsabi siya sa lalaki: "Bakit ka tumitingin sa akin? Sumpa man kay Allah, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan). Subalit nang araw na dumapo ito sa akin, hindi nagtakda si Allah sa akin na magsabi ako nito; dinapuan ako ng galit saka nakalimot ako na magsabi ng mga nabanggit na pangungusap na ito."

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsambit ng dhikr na ito sa umaga at gabi upang ang tao ay maging napag-iingatan ayon sa pahintulot ni Allah (t) laban sa pagdapo sa kanya ng pamimigla ng isang pagsubok o pinsala ng isang kasawiang-palad o tulad niyon.

Ang lakas ng katiyakan ng unang kanunuan kay Allah at paniniwala nila sa ipinabatid ng Sugo ni Allah (s).

Kabilang sa mga benepisyo ng paglilimita ng dhikr sa umaga at gabi ang pagputol ng pagkalingat sa Muslim at ang paggugunita niyang palagian na siya ay isang lingkod ni Allah (t).

Ayon sa sukat ng pananampalataya ng tagapag-alaala kay Allah, kataimtiman niya, at pagdalo ng puso niya kasama ng pagpapakawagas at katiyakan ang epekto ng dhikr ay magiging naisasakatotohanan.

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi