{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}

{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}

Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga sandali niya.}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpapabatid si `Ā’ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh dito) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay matindi ang sigasig sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) at na siya ay umaalaala noon kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat panahon, lugar, at kalagayan.

فوائد الحديث

Hindi isinasakundisyon ang ṭahārah mula sa maliit at malaking ḥadath para sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya).

Ang pagpapamalagi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya).

Ang paghimok sa pagpaparami ng pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga sandali bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), maliban sa mga kalagayang nakahahadlang sa mga ito sa pag-alaala, gaya ng sa pagtugon sa tawag ng pangangailangan.

التصنيفات

Ang mga Patakaran Kaugnay sa Qur'ān at mga Kopya Nito