Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}

Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}

Ayon kay Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanya) na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}

[Tumpak]

الشرح

Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak na ang sinumang nagdarasal ng mga kusang-loob: apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, at nagpapamalagi at nangangalaga sa mga ito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pangangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat matapos nito.

Ang kusang-loob na ṣalāh na pang-una – ibig sabihin: bago ng ṣalāh na tungkulin – ay may mga kasanhian, na kabilang sa mga ito: ang paghahanda sa sarili ng tagapagsagawa ng ṣalāh para sa pagsamba bago ng pagpasok sa ṣalāh na tungkulin. Hinggil naman sa kusang-loob na ṣalāh na panghuli, kabilang sa mga kasanhian ng mga ito ang pag-ayos sa kasiraan ng mga ṣalāh na tungkulin.

Ang mga kusang-loob na ṣalāh may mga dakilang benepisyo na karagdagan sa mga magandang gawa, pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa, at pag-aangat ng mga antas.

Ang panuntunan ng mga Alagad ng Sunnah sa mga ḥadīth ng pangako tulad ng ḥadīth na ito ay na inuugnay ang mga ito sa pagkamatay habang nasa Tawḥīd at na ang tinutukoy rito ay ang hindi pamamalagi sa Impiyerno dahil ang tagagawa ng mga pagkakasala kabilang sa mga alagad ng Tawḥīd ay karapat-dapat sa parusa subalit hindi siya pamamalagihin sa Impiyerno kung naparusahan na siya.

التصنيفات

Ang mga Sunnah Rātibah