إعدادات العرض
Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagtitipon, bumati siya [ng Salam]; saka kapag nagnais siya na tumayo, bumati siya sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huli."}
Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagtitipon, bumati siya [ng Salam]; saka kapag nagnais siya na tumayo, bumati siya sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huli."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumating ang isa sa inyo sa pagtitipon, bumati siya [ng Salam]; saka kapag nagnais siya na tumayo, bumati siya sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huli."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Tiếng Việt Nederlands Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Română ไทย Português मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ বাংলা Македонски తెలుగుالشرح
Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang dumating sa lugar ng pag-upo ng mga tao na bumati siya sa kanila saka kapag nagnais siya na tumayo mula roon ay magpaalam siya sa mga naroon sa pamamagitan ng pagbati rin sapagkat ang unang pagbati sa sandali ng pagdating ay hindi higit na karapat-dapat kaysa sa huling pagbati sa sandali ng paglisan.فوائد الحديث
Ang paghimok sa pagpapalaganap ng pagbati.
Ang paghimok sa pagbati ng salām sa mga nakadalo sa pagtitipon sa sandali ng pagkikita at sa sandali ng paglisan.
Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya na: "kapag nagnais siya na tumayo" ay nangangahulugang: mula sa pagtitipon, "sapagkat ang una ay hindi higit na karapat-dapat" ay nangangahulugang: ang dalawa sa kalahatan ay tunay na sunnah sa pagsasagawa rito sapagkat walang punto sa pagwaksi sa ikalawa kasama ng pagpapatibay sa una.