إعدادات العرض
Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga mula sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko;
Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga mula sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko;
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang susunod nga kayo sa mga kalakaran ng mga mula sa bago ninyo nang dangkal sa dangkal at siko sa siko; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa isang lungga ng isang balubid, talagang susunod nga kayo sa kanila." Nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, ang mga Hudyo ba at ang mga Kristiyano?" Nagsabi siya: "Kaya sino pa?"}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Кыргызча Yorùbá ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa mangyayari sa kalagayan ng ilan sa Kalipunan niya matapos ng panahon niya. Ito ay ang pakikipagsunuran sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga paniniwala nila, mga gawain nila, mga gawi nila, at mga kaugalian nila sa isang eksaktong matinding pakikipagsunuran nang dangkal sa dangkal at siko sa siko hanggang sa kung sakaling pumasok ang mga iyon sa isang lungga ng isang balubid ay talagang papasok sila roon kasunod sa likuran ng mga iyon.فوائد الحديث
May tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta niya yayamang nagpabatid siya hinggil doon ng pagkaganap niyon saka naganap naman iyon gaya ng ipinabatid niya.
Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis ng mga Muslim sa mga tagatangging sumampalataya, maging sa mga paniniwala nila o mga pagsamba nila o mga pagdiriwang nila o mga pananamit nila na natatangi sa kanila.
Ang pagpapaliwanag ng mga bagay na basal (abstract) sa pamamagitan ng halimbawang pisikal ay kabilang sa mga istilo ng pagtuturo sa Islām.
Ang balubid ay isang hayop na ang lungga nito ay matindi ang kadiliman, na mabaho ang amoy. Ito ay kabilang sa mga reptilya na marami sa mga disyerto. Ang punto ng pagtukoy sa lungga ng balubid ay ang tindi ng sikip at kasamaan nito. Sa kabila niyon, tunay na sila, dahil sa pagbuntot nila sa mga bakas ng mga iyon at pagsunod nila sa mga pamamaraan ng mga iyon, kung sakaling pumasok ang mga iyon sa tulad ng masikip na masamang ito, talagang sasang-ayon sila sa mga iyon! Si Allāh ay ang Pinagpapatulungan .
التصنيفات
Ang Pagpapakawangis na Sinasaway