إعدادات العرض
Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
Ayon kay Abū Umāmah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtatalumpati sa Ḥajj ng Pamamaalam saka nagsabi siya: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
[Tumpak]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Čeština Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda Shqip ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Українська Moore ქართული Magyar Македонски Azərbaycan Malagasy Oromoo Deutsch ไทย मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Nagtalumpati ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng `Arafah sa Ḥajj ng Pamamaalam noong taong 10 Hijrah. Tinawag itong gayon dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namaalam sa mga tao rito. Nag-utos siya sa mga tao sa kalahatan na mangilag silang magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos niya at pag-iwas sa sinasaway niya, na magdasal sila ng limang ṣalāh na isinatungkulin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa araw at gabi, na mag-ayuno sila sa buwan ng Ramaḍān, na magbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito at huwag silang magmaramot ng mga ito, at na tumalima sila sa ginawa ni Allāh bilang mga pinuno sa kanila sa hindi pagsuway kay Allāh. Ang sinumang gumawa ng mga bagay na nabanggit, ang gantimpala sa kanya ay ang pagpasok sa Paraiso.فوائد الحديث
Ang mga gawaing ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.