إعدادات العرض
Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, ng pinakadalisay sa mga ito sa ganang May-ari ninyo
Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, ng pinakadalisay sa mga ito sa ganang May-ari ninyo
Ayon kay Abū Ad-Dardā’, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, ng pinakadalisay sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, higit na mabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at higit na mabuti para sa inyo kaysa sa makatagpo ninyo ang mga kaaway ninyo at tagain ninyo ang mga leeg nila at tagain nila ang mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: Opo. Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allah, pagkataas-taas Niya."
[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português دری অসমীয়া ไทย አማርኛ Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली Română മലയാളം Nederlands Oromoo Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda Malagasy ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українськаالشرح
Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakamarami sa mga ito sa gantimpala, pinakadalisay sa mga ito sa ganang Panginoon ninyo, pinakamarami sa mga ito sa pag-aangat sa mga antas ninyo, higit na mabuti para sa inyo kaysa sa gumugol kayo ng ginto at pilak alang-alang sa landas ni Allah, at higit na mabuti para sa inyo kaysa sa makatagpo ninyo ang mga Kāfir sa larangan ng digmaan at tagain ninyo ang mga leeg nila upang itaas ang salita ni Allah, pagkataas-taas Niya. Nagsabi ang mga kasamahan niya: "Opo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allah, pagkataas-taas Niya."التصنيفات
Ang mga Kainaman ng Dhikr