إعدادات العرض
Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay
Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya at hindi umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay at patay."} Sa pananalita ni Imām Muslim: {"Ang paghahalintulad sa bahay na inaalaala si Allāh doon at bahay na hindi inaalaala si Allāh doon ay tulad ng buhay at patay."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Nederlands Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી አማርኛ پښتو ไทยالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaibahan sa pagitan ng umaalaala kay Allāh (napakataas Siya) at ng sinumang hindi umaalaala sa Kanya, na ito ay tulad ng kaibahan sa pagitan ng buhay at patay sa pagpapakinabang nito at kagandahan ng anyo nito. Ang paghahalintulad sa umaalaala sa Panginoon niya ay tulad ng buhay na ang panlabas nito ay nagagayakan ng liwanag ng buhay at ang panloob nito ay nagagayakan ng liwanag ng pagkakaalam at narito ang pakinabang. Ang paghahalintulad sa hindi umaalaala kay Allāh ay tulad ng patay na ang panlabas nito ay walang-silbi at ang panloob nito ay kabulaanan at wala ritong pakinabang. Gayon din ang bahay, inilalarawan bilang buhay kung ang mga nakatira rito ay umaalaala kay Allāh at kung hindi naman ito ay isang bahay na patay dahil sa katamlayan ng mga nakatira rito sa pag-alaala kay Allāh. Kapag itinaguri ang buhay at ang patay sa paglalarawan ng bahay, tinutukoy lamang dito ang nakatira sa bahay.فوائد الحديث
Ang paghimok sa pag-alaala kay Allāh at ang pagbibigay-babala laban sa pagkalingat dito.
Ang pag-alaala kay Allāh ay buhay ng kaluluwa kung paanong ang kaluluwa ay buhay ng katawan.
Bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang paglalahad ng mga paghahalintulad para sa pagpapalapit ng mga kahulugan.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang paghimok sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) sa bahay at na ito ay hindi dapat mawalan ng pag-alaala [kay Allāh].
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito na ang haba ng buhay sa pagtalima ay kainaman, kahit pa ang patay ay lilipat sa isang mabuting patutunguhan, dahil ang buhay ay makahahabol dito at makahihigit dito dahil sa magagawa niya na mga pagtalima.