إعدادات العرض
Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം Deutsch नेपाली Кыргызча ქართული Moore Magyar తెలుగు Svenska Македонски ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Oromoo ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ Wolof دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរ Lietuviųالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na manghamak siya at mag-alipusta siya sa kapwa niya Muslim, na iyon ay bahagi ng kasuwailan, ang paglabas sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at na ang pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa niya Muslim ay kabilang sa mga gawaing pangkawalang-pananampalataya subalit ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya.فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng paggalang sa dangal ng Muslim at buhay niya.
Ang bigat ng kauuwian ng pag-alipusta sa Muslim nang walang karapatan sapagkat ang tagapag-alipusta nang walang karapatan ay isang suwail.
Ang pag-alipusta sa Muslim at pakikipaglaban sa kanya ay nagpapahina sa pananampalataya at bumabawas nito.
Ang ilan sa mga gawain ay tinatawag bilang kawalang-pananampalataya, kahit pa hindi umabot sa malaking kawalang-pananampalataya na nagpapalabas sa kapaniwalaan ng Islām.
Ang tinutukoy ng kawalang-pananampalataya rito ay ang maliit na kawalang-pananampalataya, na hindi nagpapalabas mula sa kapaniwalaan ayon sa pagkakasang-ayon ng mga Alagad ng Sunnah dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpatibay sa kapatiran sa pananampalataya ng mga mananampalataya sa sandali ng pag-aaway-away nila at hidwaan nila sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 49:9-10): {Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.} Hanggang sa sinabi Niya: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang,}