Ang sinumang nangagaw ng karapatan ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng panunumpa niya, nag-obliga nga si Allāh para sa kanya ng Impiyerno at nagkait nga sa kanya ng Paraiso." Kaya may nagsabi sa kanya na isang lalaki: "Kahit pa ito ay isang maliit na bagay, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya:…

Ang sinumang nangagaw ng karapatan ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng panunumpa niya, nag-obliga nga si Allāh para sa kanya ng Impiyerno at nagkait nga sa kanya ng Paraiso." Kaya may nagsabi sa kanya na isang lalaki: "Kahit pa ito ay isang maliit na bagay, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kahit pa isang siit mula sa isang arāk."}

Ayon kay Abū Umāmah bin Tha`labah Al-Ḥārithīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nangagaw ng karapatan ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng panunumpa niya, nag-obliga nga si Allāh para sa kanya ng Impiyerno at nagkait nga sa kanya ng Paraiso." Kaya may nagsabi sa kanya na isang lalaki: "Kahit pa ito ay isang maliit na bagay, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kahit pa isang siit mula sa isang arāk."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa kay Allāh nang nagsisinungaling na nakaalam para mang-agaw ng karapatan ng isang taong Muslim sapagkat tunay na ang ganti roon ay ang pagkakarapat-dapat sa Impiyerno at ang pagkakait ng Paraiso. Ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, kahit pa ang sinumpaan ay isang bagay na kaunti?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kahit pa man iyon ay isang patpat ng siwāk na kinukuha sa punong arāk."

فوائد الحديث

Ang pag-iingat laban sa pagkuha ng mga karapatan ng mga ibang tao at ang pagsisigasig sa pagganap ng mga ito sa mga kinauukulan ng mga ito maging gaano man kakaunti at na ang kahatulan ng tagapaghatoi ng mali ay hindi nagpapahintulot para sa tao ng hindi naging para sa kanya.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kahigpitan ng pagbabawal sa [paglabag sa] mga karapatan ng mga Muslim, na walang kaibahan sa pagitan ng kaunting karapatan at marami nito, ay batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kahit pa isang siit mula sa isang arāk."}

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kaparusahang ito ay para sa sinumang nangagaw ng karapatan ng Muslim at namatay bago ng pagbabalik-loob. Hinggil naman sa sinumang nagbalik-loob saka nagsisi sa nagawa niya, nagsauli ng karapatan sa may-ari nito, kumalas mula rito, at nagtika na hindi manumbalik, naaalis nga sa kanya ang kasalanan.

Nagsabi si Al-Qāḍī: Ang pagtatangi sa pagbanggit sa Muslim ay dahil sa pagiging sila ang kinakausap at sa pangkalahatan ang mga nakikitungo sa Batas ng Islām, hindi dahil sa ang hindi Muslim ay nasa kasalungatan nito, bagkus ang kahatulan nito ay kahatulan nito roon.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pagsisinungaling ay ang pagpapabatid tungkol sa anuman ayon sa kasalungatan ng kung ano ito dala ng pananadya o dala ng pagkalingat, maging ang pagpapabatid man ay tungkol sa isang nakaraan o isang hinaharap.

التصنيفات

Ang Pangangamkam