Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma -stur `awrātī wa āmin raw`ātī, wa -ḥfiđnī mim bayna yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla min taḥtī (O Allah, tunay na ako…

Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma -stur `awrātī wa āmin raw`ātī, wa -ḥfiđnī mim bayna yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla min taḥtī (O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allah, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko, patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko, at pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako lamunin mula sa ilalim ko).

Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Hindi nangyaring ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-iwan sa mga pananalitang ito kapag gumabi at kapag nag-umaga: "Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma -stur `awrātī wa āmin raw`ātī, wa -ḥfiđnī mim bayna yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla min taḥtī (O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allah, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko, patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko, at pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako lamunin mula sa ilalim ko)."

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa bawat umaga at gabi ay nagsisigasig noon sa pagsambit ng panalanging ito. Hindi niya ito itinigil kailanman dahil sa taglay nito na mga kahulugang dakila. Nasasaad dito ang paghiling kay Allah ng "kagalingan sa relihiyon ko." Ang ipinakakahulugan ng "kagalingan" ay ang kaligtasan sa relihiyon ko laban sa mga pagsuway, mga pagsalungat, at mga bid`ah. Ang "pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko" ay nangangahulugang humihiling ako sa Iyo ng kagalingan sa pangmundong buhay ko laban sa mga kasawian at mga kasamaan at humihiling ako sa Iyo ng kagalingan para sa mag-anak ko laban sa masamang pakikitungo, sa mga sakit at mga karamdaman, sa pagkakaabala nila sa paghahanap ng mga walang kabuluhang bagay, at para sa ari-arian ko laban sa mga nakasisira, mga nakalilito, at mga ipinagbabawal. Ang "pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko, patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko" ay nangangahulugang pagtakpan Mo ang lahat ng ikahihiya ko kapag lumitaw ang ilan sa mga pagkakasala at mga kapintasan, patiwasayin Mo ako, at iligtas Mo ako laban sa hilakbot na nagpapangamba sa akin. Ang "pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko" ay nangangahulugang ipagsanggalang Mo ako laban sa ka kasawian mula sa anim na dako upang hindi ako dapuan ng kasamaan mula sa anumang pook. Ang "Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako lamunin mula sa ilalim ko" ay nangangahulugang nagpapakalinga ako at nagpapakanlong sa kadakilaan Mo laban sa pagkakalamom sa akin mula sa ilalami ko nang patago.

التصنيفات

Ang mga Du`ā' na Ipinahatid