Nagsabi ka [ng paggunita] sa pag-iwan ko sa iyo ng apat na salita,kung ito ay titimbangin sa sinabi mo mula sa buong araw na ito,magiging katumbas niya ito sa timbang:"Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat…

Nagsabi ka [ng paggunita] sa pag-iwan ko sa iyo ng apat na salita,kung ito ay titimbangin sa sinabi mo mula sa buong araw na ito,magiging katumbas niya ito sa timbang:"Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] at lawak [ng naisulat] ng Kanyang mga salita"

Ayon kay Juwayrah bint Al-Harith-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Nagsabi ka [ng paggunita] sa pag-iwan ko sa iyo ng apat na salita,kung ito ay titimbangin sa sinabi mo mula sa buong araw na ito,magiging katumbas niya ito sa timbang:"Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] at lawak [ng naisulat] ng Kanyang mga salita"))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ipinapaalam ni Juwayriyah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas mula sa kanya,nang siya ay nagdasal ng madaling araw,pagkatapos ay bumalik siya sa oras ng Duha,natagpuan niya ito na gumugunita sa Allah-Pagkataas-taas Niya, Ipina-alam niya sa kanya na siya ay nagsabi ng apat na salita pagkatapos [ng paglabas niya],na kung ito ay ikukumpara sa mga nasabi niya, magiging kapareho niya ito sa gantimpala,o magiging katumbas niya ito sa timbang,Pagkatapos ay ipinahayag niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagsabi niya ng :" Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang ang lahat ng papuri,sa dami ng bilang ng Kanyang nilikha,at sa Kanyang kaluguran at s bigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] at lawak [ng naisulat] ng Kanyang mga salita" Ibig sabihin ay:Maraming pagluluwalhati ,umaabot sa bilang ng Kanyang nilikha,at walang nakakaalam sa bilang nila maliban sa Allah,at Dakilang pagluluwalhati na ikinalulugod Niya-Napakamaluwalhati Niya,at Mabigat na Pagluluwalhati ,Kasimbigat ng Kanyang Trono [Dakilang Luklukan] kung ito lamang ay nararamdaman,at Pagluluwalhating tuloy-tuloy at palagian,walang hangganan.

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi