إعدادات العرض
Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}
Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}
Ayon kay Bahz bin Ḥakīm, ayon sa ama niya na nagsabi: Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 Kurdî Português Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili Hausa ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Română ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ বাংলা Malagasy Македонски Українськаالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamarapat pag-ukulan sa mga tao ng pagsasamabuting-loob, paggawa ng maganda, kagandahan ng pakikitungo, kaayahan ng pakikisalamuha, pakikisama, at pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak ay ang ina. Nagbigay-diin siya sa karapatan ng ina higit sa iba sa pamamagitan ng pag-ulit nang tatlong beses para sa paglilinaw ng kainaman nito higit sa nalalabi sa mga tao nang walang eksepsiyon. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang naglilinaw kung sino ang sumusunod sa ina sa pag-uukol ng pagsasamabuting-loob: pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit sa mga may ugnayang pangkaanak. Sa tuwing ito ay nagiging higit na malapit, ito ay magiging higit na marapat sa pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak kaysa sa higit na malayo.فوائد الحديث
Ang ḥadīth ay nagsasaad ng pag-uuna sa ina, pagkatapos sa ama, pagkatapos sa pinakamalapit saka pinakamalapit alinsunod sa mga antas nila sa kalapitan.
Ang paglilinaw sa katayuan ng mga magulang at ng ina, lalo na.
Naulit-ulit sa ḥadīth ang pagsasamabuting-loob sa ina nang tatlong ulit. Iyon ay dahil sa kabutihang-loob niya sa mga anak niya dahil sa dami ng pinapasan niya na pabigat, pagod, at hirap ng dinadala, pagkatapos pagsisilang, pagkatapos pagpapasuso, na namumukod-tangi dahil sa mga ito ang ina, pagkatapos nakikilahok pa siya sa ama sa pagpapalaki.