إعدادات العرض
1- Kaya bumalik sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa
2- Kasuklam-suklam, pagkatapos ay kasuklam-suklam, pagkatapos ay kasuklam-suklam siya na naabutan ang mga magulang niya sa katandaan ng isa sa kanilang dalawa o nilang dalawa ngunit hindi siya nakapasok sa Paraiso.
3- "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa kagandahan ng pakisama?" Nagsabi siya: "Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay sa ama mo, pagkatapos ay ang pinakamalapit sa iyo, ang pinakamalapit sa iyo."
4- Ang kaluguran ni Allah ay nakasalalay sa kaluguran ng dalawang magulang,at ang poot ni Allah ay nakasalalay sa poot ng dalawang magulang
5- Si Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kapag dumarating sa kanya ang mga tumutulong mula sa Yaman,tinatanong niya sila,kabilang ba sa inyo Uways bin A`mer?hanggang sa dumating siya kay Uways-malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya sa kanya:Ikaw ba si Uwais bin A`mer?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn?Nagsabi siya: Oo,Sinabi niya:Nagkaroon ka noon ng ketongin at gumaling ka dito,maliban sa parte na kasin-laki ng Dirham,?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya: Mayroon kapang ina?Nagsabi siya:Oo,Sinabi niya:Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Darating sa inyo si Uways bin A`mer kasama ang mga tumutulong mula sa Yaman mula sa tribo ng Murad na nagmula pa sa Qarn,Nagkaroon siya dati ng ketongin at gumaling siya mula dito maliban sa parte na kasin-laki ng dirham,mayroon siyang Ina at nagpapamalas siya ng kabutihan sa kanya ,at kung susumpa siya sa Allah(na matupad ang mga mabuting bagay na hinihiling nito) ay pagbubutihin ito,kaya`t kung kaya mong humungi siya ng kapatawaran para sa iyo kay Allah,ay gawin mo)),kaya`t humingi ka ng kapatawaran para sa akin kay Allah,At humingi siya ng kapatawaran para sa kanya kay Allah,Nagsabi sa kanya si Umar: Saan mo gustong pumunta?Sinabi niya: Sa Ku`fah.
6- Katotohanan ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang mabuting pakikitungo nang isang lalaki sa pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya
7- Hindi nagagantihan ng isang anak ang isang magulang malibang matagpuan niya ito na isang alipin at bibilhin niya ito at palalayain niya ito.