إعدادات العرض
Kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan, sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, ngunit hindi siya papasok sa Paraiso."}
Kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan, sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, ngunit hindi siya papasok sa Paraiso."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan, sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, ngunit hindi siya papasok sa Paraiso."}
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Kiswahili Português தமிழ் دری অসমীয়া Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली Română മലയാളം Nederlands తెలుగు پښتو Soomaali Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ ភាសាខ្មែរالشرح
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkahamak at pagkapahiya hanggang sa umabot ito sa isang tao, na para bang inilagay ang ilong nito sa alabok. Nag-ulit-ulit siya nito nang tatlong ulit kaya tinanong siya: "Sino po ito, O Sugo ni Allāh, na dumalangin ka ng laban sa kanya?" Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan, sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, ngunit hindi silang dalawang naging kadahilanan ng pagpasok niya sa Paraiso. Iyon ay dahilan sa kawalan ng paggawa ng maganda sa kanilang dalawa at kasuwailan sa kanilang dalawa.فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang at na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso, lalo na sa sandali ng katandaan nilang dalawa at kahinaan nilang dalawa.
Ang kasuwailan sa mga magulang ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.