Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}

Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {May isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil-ayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

May dumating na isang pangkat ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa mga bahay ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagtatanong tungkol sa pagsamba niya sa pribado sa loob ng bahay niya ngunit noong pinabatiran sila, para bang sila ay nagmamaliit dito kaya nagsabi sila: "Saan tayo kung ihahambing sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)? Pinatawad na sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya at ang nahuli, na kasalungatan sa hindi nakaalam sa pagkatamo ng kapatawaran para sa sarili kaya nangangailangan ng pagpapalabis sa pagsamba nang harinawa ay magtamo niyon." Pagkatapos nagsabi ang isa sa kanila: "Hindi ako mag-aasawa ng mga babae." Nagsabi ang isa pa sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi nagsabi naman ang isa pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Kaya nakarating iyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagalit siya at nagtalumpati sa mga tao. Kaya pumuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya saka nagsabi: "Ano ang pumapatungkol sa mga taong nagsasabi ng ganito at gayon? Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang ang pinakanatatakot sa inyo kay Allāh at ang pinakanangingilag sa inyo sa Kanya subalit ako ay natutulog upang magpalakas sa pagdarasal sa gabi, tumitigil-ayuno upang magpalakas sa pag-aayuno, at nag-aasawa ng mga babae. Kaya ang sinumang umayaw sa pamamaraan ko, nagtuturing na kalubusan sa iba pa rito, at sumunod sa pamamaraan ng iba pa sa akin, siya ay hindi kabilang sa akin."

فوائد الحديث

Ang pag-ibig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa kabutihan at ang pagkaibig nila rito at sa pagtulad sa Propeta nila (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang kaluwagan ng Batas ng Islām at ang kadalian nito bilang pagsunod sa gawain ng Propeta nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang kabutihan at ang pagpapala sa pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagsunod sa mga kalagayan niyang marangal.

Ang pagpapaudlot sa paghihigpit sa sarili sa mga pagsamba ng hindi nito nakakaya at iyon ay bahagi ng kalagayan ng mga tagagawa ng bid`ah.

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang paggawa ng paghihigpit sa pagsamba ay humahantong sa pagkasawang pumuputol sa pinakaugat nito. Ang pananatili naman sa pagkakasya sa mga tungkulin, halimbawa, at ang pagwaksi sa pagkukusang-loob ay humahantong sa pagmamagaling sa kabatuganan at kawalan ng kasiglahan sa pagsamba. Ang pinakamabuti sa mga bagay-bagay ay ang kalagitnaan.

Nasaad dito ang pagsunod sa mga kalagayan ng malalaking tao para tularan ang mga gawain nila; at kapag humirap ang pag-alam nito mula sa mga lalaki, pinapayagan ang pagtuklas nito mula sa mga babae.

Nasaad dito ang pangaral, ang paglalahad ng mga usapin ng kaalaman, ang paglilinaw sa mga patakaran para sa mga naatangan ng tungkulin, at ang pag-aalis ng maling akala sa mga nagsusumikap.

Ang pag-uutos ng pagpapakabanayad sa pagsamba kasabay ng pangangalaga rito at sa mga tungkulin at mga kusang-loob upang makapagsaalang-alang ang Muslim sa mga karapatan sa kanya ng iba sa kanya.

Nasaad sa ḥadīth ang katunayan ng kainaman ng pag-aasawa at ang pagpapaibig dito.

التصنيفات

Ang Patnubay Pampropeta