إعدادات العرض
Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, at nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: As’alu llāha l`ađīma rabba l`arshi l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa…
Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, at nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: As’alu llāha l`ađīma rabba l`arshi l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya).
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, at nagsabi sa piling nito nang pitong ulit: As’alu -llāha -l`ađīma rabba -l`arshi -l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya). Pagagalingin ito ni Allah mula sa sakit na iyon."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdî Português Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands አማርኛالشرح
Ang ḥadīth ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanya, ay na ang tao, kapag dumalaw siya sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito - na nangangahulugang wala itong sakit na ikamamatay - at nagsabi sa piling nito nang pitong ulit: As’alu -llāha -l`ađīma rabba -l`arshi -l`ađīmi an yashfiyak (Hinihiling ko kay Allah, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, na pagalingin ka nawa Niya), pagagalingin ito ni Allah mula sa sakit na iyon. Ito ay kapag hindi pa dumating ang taning. Kapag naman dumating na ang taning, hindi na mapakikinabangan ang gamot ni ang pagbigkas ng panalangin dahil si Allah, pagkataas-taas Niya ay nagsabi: "Ang bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating na ang taning nila ay hindi sila makapagpapahuli ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna." (Qur'an 7:34)التصنيفات
Ang Ruqyah na Pang-Sharī`ah