Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}

Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi bahagi ng pumapatungkol sa mananampalatayang kumpleto ang pananampalataya na ito ay maging palapintas sa mga tao sa mga kaangkanan nila ni marami sa mga panlalait at pagsumpa ni mahalay sa gawain ni sa pagsasabi, na walang pagkahiya sa kanya.

فوائد الحديث

Ang pagkakaila ng pananampalataya sa nasaad sa mga tekstong pangkapahayagan ay hindi nangyayari kundi sa isang gawaing ipinagbabawal o isang pag-iwan ng tungkulin.

Ang paghimok sa pag-iingat sa mga bahagi ng katawan at pangangalaga sa mga ito laban sa mga masagwang gawa, lalo na sa dila.

Nagsabi si As-Sindīy: Sa porma ng pagpapalabis sa salitang palapanirang-puri at palasumpa ay may isang katunayan na ang pamumutawi ng paninirang-puri at pagsumpa sa kabila ng kakauntian ng naging karapat-dapat doon ay hindi nakapipinsala sa pagkalarawan ayon sa mga katangian ng mga may pananampalataya.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik