Sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso."}

Sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso."}

[Tumpak]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang dalawang apo niya na sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn na dalawang anak nina `Alīy bin Abī Ṭālib at Fāṭimah na anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan at malugod Siya sa kanila) ay dalawang pinapanginoon ng bawat sinumang namatay habang siya ay kabataan at papasok sa Paraiso dahil sa kainaman, o na silang dalawa ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso, matangi ang mga Propeta at ang mga Matinong Khalīfah.

فوائد الحديث

Dito ay may isang kainamang nakahayag para kina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).

May sinabi kaugnay sa kahulugan ng ḥadīth: na silang dalawa sa oras ng ḥadīth ay dalawang pinapanginoon ng mga kabataan ng mga kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso mu;a sa mga kabataan ng panahong ito o na silang dalawa ay higit na mainam kaysa sa sinumang hindi napagtibayan ng isang pangkalahatang pagsasamainam gaya ng mga propeta at mga khalīfah o na silang dalawa ay dalawang pinapanginoon ng sinumang nailalarawan sa mga katangian ng mga kabataan at kabinataan gaya ng pagkalalaki, pagkamapagbigay, at katapangan. Hindi nagsaad ito hinggil doon ng edad ng kabataan dahil sina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn ay namatay na mga matanda.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Sambahayan ng Propeta