إعدادات العرض
1- Pinalabas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw si Al-Hasan,pina-akyat niya ito sa Minbar (tinatayuan ng Imam kapag nangangaral), at Nagsabi siya:((Ang anak kong ito ay magiging pinuno,At marahil ang Allah ay gagawin siyang Tagapagka-sundo sa pagitan ng dalawang grupo mula sa mga Muslim)
2- Tingnan niyo ito,Tinatanong niya sa akin ang tungkol sa dugo ng lamok,ngunit pinatay nila ang anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,At narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Silang dalawa ay mababango kong halaman sa Mundo))
3- Ayon kay Barra malugod si Allah sa kanya,ay nagsabi: Nang mamatay si Ebrahim-Sumakanya ang pangangalaga-Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Tunay na sa kanya ay may nagpapasuso sa Paraiso)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie