Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo…

Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}

[Tumpak]

الشرح

Kabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay nagsasabi ng: "O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop" at nagpaakay, "sa Iyo ako sumampalataya," naniwala, at kumilala, "sa Iyo ako nanalig," nagpaubaya, at sumalig, "sa Iyo ako nagsisising nagbalik," nanumbalik, at tumuon, "at dahil sa Iyo ako nakipagtalo" at nakipangatwiran sa mga kaaway Mo. "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop" at dumudulog "sa kapangyarihan Mo," tibay Mo, at pananaig Mo, "– walang Diyos kundi Ikaw –" at walang sinasamba ayon sa karapatan maliban sa Iyo, "na magpaligaw Ka sa akin" palayo sa kapatnubay at pagkatuon sa pagkalugod Mo. "Ikaw ang Buhay na hindi namamatay" at hindi napupuksa "samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay."

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng paghahain ng pagbubunyi sa paghingi sa sandali ng bawat hinihiling.

Ang pagkakinakailangan ng pananalig kay Allah (t) – tanging sa Kanya – at paghiling ng pag-iingat mula sa Kanya dahil Siya ay nailalarawan sa mga katangian ng kalubusan sapagkat Siya – tanging Siya – ang sinasaligan samantalang ang nilikha sa kabuuan nila ay mga walang-kakayahan at mga magwawakas sa kamatayan kaya sila ay hindi marapat para panaligan.

Ang pagpapakatulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdalangin sa pamamagitan ng mga masaklaw na matibay na pangungusap na ito, na nagpapahayag ng katapatan ng pananampalataya at kasukdulan ng katiyakan.

Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya: "Ikaw ang Buhay" ay nangangahulugang: Kaya Ikaw ang nararapat hilingan ng pagkupkop hindi ang iba sa Iyo.

التصنيفات

Ang Patnubay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Dhikr, Ang mga Du`ā' na Ipinahatid