إعدادات العرض
Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang nagpalamon ka sa kanila ng mainit na abo. Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon."}
Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang nagpalamon ka sa kanila ng mainit na abo. Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaki na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong kamag-anakan na nakikipag-ugnayan ako sa kanila at pumuputol naman sila ng ugnayan sa akin, gumagawa ako ng maganda sa kanila at gumagawa naman sila ng masagwa sa akin, at nagtitimpi ako sa kanila at nagmamaltrato naman sila sa akin." Kaya nagsabi siya: "Talagang kung ikaw ay gaya ng sinabi mo, para bang nagpalamon ka sa kanila ng mainit na abo. Hindi matitigil na may kasama kang mapagtaguyod mula kay Allāh laban sa kanila hanggat ikaw ay nasa gayon."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Kiswahili Português தமிழ் Nederlands অসমীয়া ગુજરાતી አማርኛ پښتوالشرح
May dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon daw siyang kamag-anak at kaanak, na nakikitungo siya sa kanila ng pinakamaganda samantalang sila naman ay nakikitungo sa kanya ng kabaliktaran niyon sapagkat nagpapanatili siya ng ugnayan sa kanila at pumupunta sa kanila samantalang pumuputol naman sila ng ugnayan sa kanila, gumagawa siya ng maganda sa kanila sa pamamagitan ng pagsasamabuting-loob at pagkamatapat at gumagawa naman sila ng masagwa sa kanya sa pamamagitan ng pang-aapi at kagaspangan, at nagtitimpi siya at nagpapaumanhin siya sa kanila at nagmamaltrato naman sila sa kanya sa pamamagitan ng pangit na sinasabi at ginagawa. Kaya magpapatuloy ba siya sa pagpapanatili ng ugnayan sa kanila sa kabila ng nabanggit? Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung ito ay gaya ng binanggit mo, tunay na ikaw ay humihiya sa kanila at humahamak sa kanila sa mga sarili niya. Para bang ikaw ay nagpapakain sa kanila ng mainit na abo dahil sa dami ng paggawa mo ng maganda at kapangitan ng gawain nila sa ganang sarili nila. Hindi matitigil na may kasama sa iyo na isang tagatulong mula sa ganang kay Allāh laban sa kanila at isang tagatulak palayo sa iyo ng perhuwisyo nila hanggat ikaw ay ayon sa binanggit mo na paggawa mo ng maganda sa kanila habang nanatili naman sila sa paggawa nila ng masagwa sa iyo."فوائد الحديث
Ang pagtumbas sa paggawa ng masagwa ng paggawa ng maganda bilang pagpapalagay ng pagbabalik ng tagagawa ng masagwa sa katotohanan, gaya ng sinabi ni Allāh (Qur'ān 41:34): {Itulak mo [ang masagwa] sa pamamagitan ng siyang higit na maganda, biglang ang [taong] sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may pagkamuhi ay [magiging] para bang siya ay isang katangkilik na matalik.}
Ang pagsunod sa utos ni Allāh kahit pa man may nangyari na perhuwisyo ay isang kadahilanan ng tulong ni Allāh sa lingkod na mananampalataya.
Ang pagputol ng ugnayan ng kaanak ay isang hapdi at isang pagdurusa sa Mundo at isang kasalanan at isang pagtutuos sa Kabilang-buhay.
Nararapat sa Muslim na umasa ng gantimpala sa maayos na gawain niya at hindi pumutol sa kanya sa kaaya-ayang kaugalian niya ang perhuwisyo ng mga tao at ang pagputol nila ng ugnayan.
Ang tagapagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya ay hindi ang sinumang tumutumbas sa pagpapanatili ng ugnayan sa kanya; bagkus ang tagapagpanatili ng ugnayan, sa totoo, ay ang kapag pinutol ang ugnayan sa kanya, nagpapanatili siya nito.