إعدادات العرض
Huwag ninyong unahan ang Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw, maliban sa isang taong nag-aayuno na dati ng isang pag-aayuno kaya ayunuhin niya iyon.
Huwag ninyong unahan ang Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw, maliban sa isang taong nag-aayuno na dati ng isang pag-aayuno kaya ayunuhin niya iyon.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag ninyong unahan ang Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw, maliban sa isang taong nag-aayuno na dati ng isang pag-aayuno kaya ayunuhin niya iyon."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands አማርኛ ไทย മലയാളം Românăالشرح
Sa ḥadīth na ito ay nagpapabatid si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-una ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw maliban sa isang taong may kaugaliang mag-ayuno sa isang takdang araw gaya ng sa araw ng Lunes, halimbawa, at natapat iyon bago ang Ramaḍān ng isa o dalawang araw kaya ayunuhin niya iyon at walang masama roon sa sandaling iyon dahil sa paglaho ng ipinagbabawal: ang pagsasagawa roon ng hindi naman bahagi ng pagsamba. Tanbīh Al-Afhām tomo 3/413, Taysīr Al-`Allām pahina 313, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/210.التصنيفات
Ang Pag-aayuno sa Araw ng Pagdududa