Ilagay mo ang iyong sarili dito sa mundo na para kang estranghero o dumadaan lamang sa daan

Ilagay mo ang iyong sarili dito sa mundo na para kang estranghero o dumadaan lamang sa daan

Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: Kinuha ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at ang mag-anak niya at pangalagaan-ang aking balikat,nagsabi siya: ((Ilagay mo ang iyong sarili dito sa mundo na para kang estranghero o dumadaan lamang sa daan)) At si Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- ay nagsasabi:Kapag ikaw ay ginabi,huwag mo ng hintayin ang umaga,at kapag ikaw ay inumaga,huwag mo ng hintayin ang gabi,at samantalahin mo ang iyong mabuting kalusugan bago ang iyong pagkasakit,at ang iyong buhay bago ang iyong kamatayan.

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.]

الشرح

Ang hadith ay umiikot sa pagiging magaan sa mundo,at pag-iwan sa pag-aabala rito kapalit ng kabilang buhay,at hindi pagpapahaba sa mga pangarap na napapaloob rito,At ang paghihimuk sa paghahanap ng mabubuting gawain,at pagbibigay babala mula sa pagpapaliban ng pagbabalik-loob o pagsisisi,at ang pagsasamantala sa oras na may mabuting kalusugan bago dumating ang sakit,at sa oras na walang trabaho bago mangyari ang pag-aabala sa maraming gawain.

التصنيفات

Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa