"Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}

"Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}

Ayon kay `Abdullāh bin Busr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang mga batas ng Islām ay dumami nga sa akin, kaya magpabatid ka sa akin ng isang bagay na panghahawakan ko." Nagsabi siya: "Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}

[Tumpak]

الشرح

May dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga kinukusang-loob sa mga pagsamba ay dumami nga sa kanya hanggang sa nawalang-kakayahan siya sa mga ito dahil sa kahinaan niya. Pagkatapos tinanong niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gabayan siya sa isang gawaing madali na hahatak sa maraming gantimpala, na kakapitan niya at hahawakan niya. Kaya gumabay sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang dila niya ay maging basa, na gumagalaw-galaw sa pagpapalagi sa pag-aalaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa bawat oras at kalagayan sa pagsambit ng tasbīḥ, taḥmīd, istighfār, panalangin, at tulad niyon.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pagpapamalagi sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya).

Bahagi ng kadakilaan ni Allāh ang pagpapadali sa mga kadahilanan ng pabuya.

Ang pagkakalamangan ng mga tao sa bahagi nila sa mga pinto ng pagsasamabuting-loob at kabutihan.

Ang dalas ng pag-alaala kay Allāh sa tasbīḥ, taḥmīd, tahlīl, takbīr, at iba pa roon kasama ng pakikipag-ayunan ng puso ay nakapagsasagawa ng paghalili sa marami sa mga kusang-loob na gawain ng mga pagtalima.

Ang pagsasaalang-alang ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tagapagtanong sa pamamagitan ng pagsagot sa bawat anumang nababagay roon.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Dhikr