Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay Allāhumma ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fi -l’ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -nnār (O Allah, bigyan Mo kami sa mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda rin, at ipagsanggalang…

Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay Allāhumma ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fi -l’ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -nnār (O Allah, bigyan Mo kami sa mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda rin, at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy).

Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Ang pinakamadalas na panalangin noon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay Allāhumma ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa fi -l’ākhirati ḥasanatan wa qinā `adhāba -nnār (O Allah, bigyan Mo kami sa mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda rin, at ipagsanggalang Mo kami sa pagdurusa sa Apoy)."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalangin ng panalanging ito. Ito ay isang marangal na talata mula sa Qur'an. Dinadalasan niya ang pagdalangin ng ganito dahil sa pagkakatipon nito sa lahat ng mga kahulugan ng panalangin na nauukol sa Mundo at nauukol sa Kabilang-buhay. Ang tinutukoy ng "maganda" rito ay ang pagpapala. Hiningi niya ang pagpapala sa Mundo at Kabilang-buhay at ang pagsasanggalang laban sa Impiyerno. Kabilang sa "maganda" ng Mundo ay ang paghingi ng bawat hiling at nais. Kabilang sa "maganda" ng Kabilang-buhay ay ang dakilang pagpapala: ang kaluguran ni Allah at ang pagpasok sa Paraiso Niya. Ang pagsasanggalang naman laban sa Impiyerno, tunay na ito ay ang kalubusan ng pagpapala at ang paglaho ng pangamba at pighati.

التصنيفات

Ang mga Du`ā' na Ipinahatid