Kapag naupo ang mga tao sa isang umpukan na hindi nila inaalaala si Allah at hindi sila dumadalangin ng pagpapala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, masasadlak sila sa panghihinayang sa Araw ng Pagkabuhay.

Kapag naupo ang mga tao sa isang umpukan na hindi nila inaalaala si Allah at hindi sila dumadalangin ng pagpapala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, masasadlak sila sa panghihinayang sa Araw ng Pagkabuhay.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag naupo ang mga tao sa isang umpukan na hindi nila inaalaala si Allah at hindi sila dumadalangin ng pagpapala sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, masasadlak sila sa panghihinayang sa Araw ng Pagkabuhay."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Ang ḥadīth na ito ay nagpapatunay ng pagsisisi at pagkalugi ng mga taong umuupo sa isang pagtitipon, pagkatapos ay tumatayo mula roon ngunit hindi sumagi sa mga puso nila ni sa mga dila nila ang pag-alaala kay Allah, pagkataas-taas Niya, ni ang pagbanggit sa Sugo Niya, ni ang pagdalangin ng pagpapala sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang mga pagtitipong ito ay magiging panghihinayang sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay dahil sila ay hindi nakinabang mula sa mga ito. Ito ay kapag ang mga pagtitipong ito ay ipinahihintulot, kaya ano sa palagay mo ang mga pagtitipong ipinagbabawal na sa mga ito ay may panlilibak at iba pa? Kaya nararapat na punuin ang mga pagtitipon ng pag-alaala kay Allah, pagkatataas-taas Niya, at panalangin ng pagpapala sa Sugo Niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

التصنيفات

Ang mga Dhikr na Walang Takda