Katakutan ninyo ang Kawalan ng Katarungan,sapagkat ang kawalan ng Katarungan ay Dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Katakutan ninyo ang [Pagiging]Maramot;Sapagkat ang [Pagiging] Maramot ay [siyang dahilan kung bakit]Nilipon ang mga nauna sa inyo,ito ang naging dahilan nila sa pagdanak nila ng mga dugo,at…

Katakutan ninyo ang Kawalan ng Katarungan,sapagkat ang kawalan ng Katarungan ay Dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Katakutan ninyo ang [Pagiging]Maramot;Sapagkat ang [Pagiging] Maramot ay [siyang dahilan kung bakit]Nilipon ang mga nauna sa inyo,ito ang naging dahilan nila sa pagdanak nila ng mga dugo,at ipinahintulot nila ang mga ipinagbawal sa kanila.

Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Katakutan ninyo ang Kawalan ng Katarungan,sapagkat ang kawalan ng Katarungan ay Dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Katakutan ninyo ang [Pagiging]Maramot;Sapagkat ang [Pagiging] Maramot ay [siyang dahilan kung bakit]Nilipon ang mga nauna sa inyo,ito ang naging dahilan nila sa pagdanak nila ng mga dugo,at ipinahintulot nila ang mga ipinagbawal sa kanila.))

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ibig sabihin ay: Iwasan ninyo ang Kawalan ng Katarungan sa mga Tao,at Pagkakasala sa sarili,at Kawalan ng Katarungan sa karapatan ni Allah;Sapagkat ang kabayaran nito ay higit na mahirap sa Araw ng Pagkabuhay,At gayundin iwasan ninyo ang pagiging Maramot na may kasamang pagkakuripot,sapagkat ito ay kabilang sa Kawalan ng Katarungan,at ang sakit na ito ay sa una pa sa pagitan ng mga henerasyon,na kung saan ay naging dahilan sa pagpapatayan nila sa isat-isa,at pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allah mula sa mga ipinagbabawal.

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang Etikang Kapula-pula