Huwag ninyong laitin ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bihi wa na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa sharri mā fīhā wa sharri mā umirat bih (O…

Huwag ninyong laitin ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bihi wa na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa sharri mā fīhā wa sharri mā umirat bih (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, sa kabutihan ng nasa loob nito, at sa kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng ipinag-utos dito).

Ayon kay Ubayy bin Ka`b, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag ninyong laitin ang hangin. Kaya kapag nakakita kayo ng kinaiinisan ninyo ay sabihin ninyo: Allāhumma innā nas'aluka min khayri hādhihi -rrīhī wa khayri mā fīhā wa khayri mā umirat bihi wa na`ūdhu bika min sharri hādhihi irrīḥi wa sharri mā fīhā wa sharri mā umirat bih (O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihan ng hanging ito, sa kabutihan ng nasa loob nito, at sa kabutihan ng ipinag-utos dito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng hanging ito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng ipinag-utos dito)."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Ipinagbabawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang paglait sa hangin dahil ito ay nilikhang napag-utusan mula kay Allāh kaya ang paglait dito ay paglait kay Allāh at paghihinakit sa pagtatadhana Niya. Pagkatapos ay nagpayo ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng pagsangguni sa Tagapaglikha nito sa pamamagitan ng paghiling sa Kanya ng kabutihan nito at ng pagpapakupkop laban sa kasamaan nito dahil sa taglay niyon na pagpapaalipin kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Iyon ay kalagayan ng mga alagad ng Tawḥīd.

التصنيفات

Ang mga Dhikr Para sa mga Pangyayaring Hindi Inaasahan