إعدادات العرض
Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa…
Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ไทย Македонски తెలుగు मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Українська ភាសាខ្មែរالشرح
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong klase ng tao ng pagpapadikit ng mga ilong nila sa alikabok bilang pagkaaba, pagkahamak, at pagkalugi. Ang unang uri ay ang sinumang binanggit sa piling niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam. (Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.)" Ang ikalawang klase ay ang sinumang nakaabot sa buwan ng Ramaḍān pagkatapos natapos ang buwan bago mapatawad siya dahil sa pagkukulang niya sa paggawa ng pagtalima. Ang ikatlong klase ay isang taong nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila naging isang kadahilanan sa pagpasok niya sa Paraiso dahil sa kasutilan niya at pagkukulang niya sa karapatan nila.فوائد الحديث
Nagsabi si As-Sindīy: Ang resulta ay na ang bawat isa sa mga ito ay talagang nagtamo sana ng isang masaganang bahagi mula sa kabutihan kung hindi dahil sa pagkukulang niya ngunit yayamang nagkulang siya hanggang sa nakaalpas sa kanya iyon, nabigo nga siya at nalugi nga siya.
Ang paghimok sa pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tuwing nababanggit ang pangalan niya.
Ang paghimok sa pagsusumikap at pagpapakasipag para sa pagsamba sa buwan ng Ramaḍān.
Ang paghimok sa pagsusumikap sa pagsasamabuting-loob sa mga magulang at pagpaparangal sa kanila lalo na sandali ng katandaan.