إعدادات العرض
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]
Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga ito sa nakakaya niya mula sa katawan niya. Nagsisimula siya sa pamamagitan ng mga ito sa ulo niya, mukha niya, at nakaharap mula sa katawan niya. Ginagawa niya iyon nang tatlong ulit.}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Español Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa മലയാളം తెలుగు Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া Shqip دری Ελληνικά Български Fulfulde Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek नेपाली Kurdî Moore Soomaali Français Wolof Oromoo Українська Azərbaycan தமிழ் bm Deutsch ქართული Português Македонски Magyar Lingala Русский 中文 فارسیالشرح
Bahagi ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya upang matulog, ang pagbuklod niya ng mga palad niya, ang pag-aangat ng mga ito gaya ng ginagawa ng tagapanalangin, at ang pagbuga sa mga ito mula sa bibig niya sa isang malumanay na pagbuga kasama ng kakaunting laway. Binibigkas niya ang tatlong kabanata ng Qur'ān: ang ika-112 kabanata, ang ika-113 kabanata, at ang ika-114 kabanata. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga palad niya sa nakakaya niya mula sa katawan niya, na nagsisimula sa ulo niya, mukha niya, at bahaging nakaharap mula sa katawan niya. Nag-uulit-ulit siya ng gawaing ito nang tatlong ulit.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbigkas ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata ng Qur'ān bago matulog, ang pagbuga sa pamamagitan ng mga ito, at ang pagpahid sa nakakaya mula sa katawan.