Manatili ka sa abot na nahahadlangan ka ng regla mo;pagkatapos ay maligo ka

Manatili ka sa abot na nahahadlangan ka ng regla mo;pagkatapos ay maligo ka

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Tunay na si Umm Hubaybah bint Jahsh ay nagreklamo sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- [dahil] sa dugo; Nagsabi siya: ((Manatili ka sa abot na nahahadlangan ka ng regla mo;pagkatapos ay maligo ka)) At siya naliligo sa bawat pagdarasal"

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ipinapahayag ng Hadith ang panuntunan ng Mustahadah [linalabasan ng dugo liban sa dugo ng regla],na siya ay manatili sa mga araw ng nakasanayan niyang regla,kung sa kanya ay may napag-alamang nakasanayan,hindi siya magdadasal at hindi mag-aayuno;at kapag hindi natapos sa nakasanayan niya,siya ay maliligo kahit na patuloy ang paglabas ng dugo,pagkatapos siya ay magdadasal at mag-aayuno; at ang Mustahadah ay ang babaing nagpapatuloy sa kanya ang paglabas ng dugo at hindi humihinto

التصنيفات

Ang Regla, ang Nifās, at ang Istiḥāḍah