Walang pagkahawa, walang [masamang pangitain] sa ibon, ni sa kuwago, ni sa [buwan ng] Ṣafar. Tumakas ka mula sa ketongin kung paanong tumatakas mula sa leyon."}

Walang pagkahawa, walang [masamang pangitain] sa ibon, ni sa kuwago, ni sa [buwan ng] Ṣafar. Tumakas ka mula sa ketongin kung paanong tumatakas mula sa leyon."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang pagkahawa, walang [masamang pangitain] sa ibon, ni sa kuwago, ni sa [buwan ng] Ṣafar. Tumakas ka mula sa ketongin kung paanong tumatakas mula sa leyon."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga nauukol sa Panahon ng Kamangmangan bilang pagbibigay-babala laban sa mga ito at bilang paglilinaw na ang usapin ay nasa kamay ni Allāh at hindi nangyayari ang anuman malibang ayon sa utos Niya at pagtatakda Niya. Ang mga ito ay ang sumusunod: A. Ang mga kampon ng Kamangmangan noon ay nagpapalagay na ang karamdaman ay lumilipat nang kusa kaya sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paniniwala ng pagkasalin nang likas ng karamdaman mula sa maysakit papunta sa iba sapagkat si Allāh ay ang namamatnugot sa Sansinukob at Siya ay ang nagbababa ng sakit at nag-aalis nito. Hindi nangyayari iyon kundi dahil sa kalooban Niya at pagtatakda Niya. B. Ang mga kampon ng Kamangmangan noon, kapag lumisan sila para sa isang paglalakbay o isang pangangalakal, ay nagtatabog ng ibon. Kung lumipad ito sa dako ng kanan, nagagalak sila. Kung lumipad naman ito sa dako ng kaliwa, nag-uugnay sila ng kamalasan dito at bumabalik sila. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-uugnay ng kamalasang ito sa ibon at naglinaw siya na ito ay isang bulaang paniniwala. C. Ang mga kampon ng Kamangmangan noon ay nagsasabi na kapag lumapag ang ibong kuwago sa isang tahanan, may mangyayari sa mga naninirahan dito na isang kasawian. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-uugnay ng kamalasan doon. D. Sumaway siya laban sa pag-uugnay ng kamalasan sa buwan ng Ṣafar, ang ikalawang buwan ng kalendaryong lunar ng Islām. Sinasabi rin na ang Ṣafar ay isang ahas na nasa tiyan na dumadapo sa mga hayupan at mga tao. Naggigiit sila na ito ay higit na matindi sa pagkahawa kaysa sa karamdamang galis. Sinaway niya ang paniniwalang ito. E. Nag-utos siya na lumayo sa dinapuan ng karamdamang ketong kung paano kang lumalayo sa hayop na leyon. Iyon ay isang pag-iingat para sa sarili, isang paghahangad para rito ng kaligtasan, at paggawa ng mga kadahilanan na ipinag-utos ni Allāh. Ang ketong ay isang karamdamang naaagnas dahil dito ang mga bahagi ng katawan.

فوائد الحديث

Ang pagkakinakailangan ng pagtitiwala kay Allāh, ang pananalig sa Kanya, at ang paggawa ng mga kadahilanang isinasabatas.

Ang pagkakinakailangan ng pananampalataya sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya at na ang mga kadahilanan ay nasa kamay ni Allāh at Siya ang nagpapatakbo ng mga ito o nag-aalis ng pag-epekto ng mga ito.

Ang pagpapabula sa ginagawa ng ilan sa mga tao na pag-uugnay ng kamalasan sa mga kulay gaya ng itim at pula; o sa ilan sa mga numero, mga pangalan, mga tao, mga may kapansanan.

Sa pagsaway laban sa paglapit sa ketongin at tulad nito na may mga karamdamang nakahahawa, ito ay kabilang sa mga kadahilanan na gumawa si Allāh bilang kalakaran na ang mga ito ay nauuwi sa mga epekto ng mga ito. Ang mga kadahilanan ay hindi nakapagsasarili mismo; bagkus si Allāh ay ang nag-aalis ng mga lakas ng mga ito kung niloob Niya para hindi umepekto ng anuman at ang nagpapanatili ng mga ito saka umeepekto kung niloob Niya.

التصنيفات

Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan, Ang mga Gawain ng mga Puso