Nanguna ang mga namumukod-tangi

Nanguna ang mga namumukod-tangi

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga namumukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga namumukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagaalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagaalaala."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng katayuan ng mga tagaalaala kay Allāh nang madalas, na sila ay namukod-tangi nga at nanguna sa iba sa kanila sa pagtamo ng mga antas na pinakamatataas sa mga hardin ng Kaginhawahan. Nagwangis siya sa kanila sa bundok ng Jumdān na namukod-tangi sa iba pa rito na mga bundok.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig sa dalas ng pag-alaala kay Allāh at pagkaabala rito sapagkat tunay na ang pangunguna sa Kabilang-buhay ay magiging dahil sa dami lamang ng mga pagtalima kay Allāh at pagpapakawagas sa mga pagsamba.

Ang pag-alaala kay Allāh o sa pamamagitan ng dila lamang o sa pamamagitan ng puso lamang o sa pamamagitan ng dila at puso nang magkasama, na siyang pinakamataas sa antas.

Kabilang sa pag-alaala ang pagsambit ng mga panalanging pangkapahayagang nilimitahan gaya ng mga dhikr sa umaga at gabi at sa mga katapusan ng mga ṣalāh na isinatungkulin at iba pa sa mga ito.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: "Alamin mo na ang kainaman ng pag-alaala ay hindi nalilimitahan sa tasbīḥ (pagsabi ng Subḥāna –­llāh), tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa –­llāh), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar), at tulad ng mga ito; bagkus ang bawat tagagawa para kay Allāh (napakataas Siya) ng pagtalima, siya tagaalaala ni Allāh (napakataas Siya)."

Ang pag-alaala kay Allāh ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng katatagan. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa isang pangkat ay magpakatatag kayo at umalaala kayo kay Allāh nang madalas, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 8:45)

Ang punto ng pagwawangis sa pagitan ng mga tagaalaala at bundok ng Jumdān ay ang pamumukod-tangi at ang pagkahiwalay. Ang bundok ng Jumdān ay namumukod-tangi sa mga bundok saka ganito ang mga tagaalaala kay Allāh (napakataas Siya). Ang namumukod-tangi ay ang namukod-tangi ang puso niya at ang dila niya sa pag-alaala sa Panginoon niya, kahit pa man siya ay nasa gitna ng mga tao. Napapalagay siya sa mga oras ng pagsasarili at naiilang siya sa dalas ng pakikihalubilo sa mga tao. Ang punto ng pagwawangis ay maaaring ang pag-alaala ay isang kadahilanan ng pagpapatatag sa Relihiyon kung paanong ang mga bundok ay isang kadahilanan ng katatagan ng lupa; o maaaring ang pangunguna sa mga kabutihan ay sa Mundo at Kabilang-buhay yayamang ang manlalakbay mula sa Madīnah papuntang Makkah, kapag nakarating siya sa Jumdān, ito ay ang palatandaan ng pagdating sa Makkah at ang sinumang dumating doon ay nangunguna. Gayon ang tagaalaala kay Allāh sapagkat siya ay nangunguna sa iba pa sa kanya dahil sa dami ng pag-alaala niya kay Allāh (napakataas Siya). Si Allāh ay higit na maalam.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Dhikr