At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang…

At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa

Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {May mga taong kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, nakakuha ang mga may mga salapi ng mga pabuya. Nagdarasal sila kung paanong nagdarasal kami. Nag-aayuno sila kung paanong nag-aayuno kami. Nagkakawanggawa sila ng mga kalabisan ng mga yaman nila." Nagsabi siya: "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal, magkakaroon ba siya roon ng isang kasalanan?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya gayon din kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Dumaing ang ilan sa mga maralita sa mga Kasamahan ng kalagayan nila at karalitaan nila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng kawalan ng pagkakawanggawa nila sa pamamagitan ng mga yaman upang magtamo sila ng maraming pabuya [ni Allāh] kung paanong nagtatamo ng mga ito ang mga kapatid nilang mga may maraming yaman at upang makagawa sila ng kabutihan tulad ng mga iyon yayamang nagdarasal ang mga iyon kung paanong nagdarasal sila, nag-aayuno ang mga iyon kung paanong nag-aayuno sila, at nagkakawanggawa ang mga iyon ng mga kalabisan sa mga yaman ng mga iyon samantalang hindi sila nakapagkakawanggawa! Kaya gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng makakakaya nila na mga kawanggawa sapagkat nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo sa mga sarili ninyo? Tunay na ang bawat pagsabi ninyo ng tasbīḥah: "Subḥānallah - (Kaluwalhatian kay Allāh)" ay magkakaroon kayo ng pabuya ng kawanggawa; at gayon din, ang pagsabi ng takbīrah: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" ay kawanggawa, ng pagsabi ng taḥmīdah: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)" ay kawanggawa, ang pagsabi ng tahlīlah: "Lā ilāha -illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" ay kawanggawa, ang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa, at ang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa; bagkus sa pakikipagtalik ng isa sa inyo sa maybahay niya ay may kawanggawa." Kaya nagulat sila at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal gaya ng pangangalunya o iba pa rito, magkakaroon ba siya roon dahil dito ng isang kasalanan? Kaya gayon din, kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."

فوائد الحديث

Ang pagtatagisan ng mga Kasamahan sa paggawa ng mga kabutihan at ang sigasig nila sa pagkamit ng dakila sa pabuya at kabutihang-loob mula sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).

Ang dami ng mga anyo ng mga gawain ng kabutihan at na ang mga ito ay sumasaklaw sa bawat gawaing isinasagawa ng Muslim nang may maayos na layunin at magandang pakay.

Ang kaginhawahan ng Islām at ang kadalian nito sapagkat ang bawat Muslim ay magseseryoso sa ginagawa niya upang makatalima kay Allāh sa pamamagitan nito.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Dito ay may patunay na ang mga gawaing pinapayagan ay nagiging mga pagtalima sa pamamagitan ng mga tapat na layunin. Ang pakikipagtalik ay nagiging isang pagsamba kapag naglayon sa pamamagitan nito ng pagtugon sa karapatan ng maybahay at pakikisama rito ayon sa nakabubuti na ipinag-utos ni Allāh (napakataas Siya) sa kanya, o ng paghiling ng isang maayos na anak, o ng pagpapanatili ng kalinisang-puri ng sarili niya o pagpapanatili ng kalinisang-puri ng maybahay at pagpigil sa mag-asawa nang magkasama laban sa pagtingin sa bawal o pag-iisip hinggil dito o pagbabalak nito, o iba pa roon kabilang sa mga maayos na pinapakay.

Ang paglalahad ng paghahalintulad at ang analohiya upang maging higit na maliwanag at higit na mabisa sa kaluluwa ng nakaririnig.

التصنيفات

Ang Kawanggawa ng Pagkukusang-loob, Ang mga Kainaman ng Dhikr