إعدادات العرض
Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat tanging kailangan sa kanila ang ipinapasan sa kanila at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo."}
Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat tanging kailangan sa kanila ang ipinapasan sa kanila at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo."}
Ayon kay Wā'il Al-Ḥaḍramīy na nagsabi: {Nagtanong si Salamah bin Yazīd Al-Ju`fīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "O Propeta ni Allāh, nagsaalang-alang ka po ba kung may namahala sa amin na mga pinunong humingi sa amin ng karapatan nila habang nagkakait sila sa amin ng karapatan namin. Ano po ang ipag-uutos mo sa amin? Umiwas siya rito. Pagkatapos nagtanong ito sa kanya saka umiwas siya rito. Pagkatapos nagtanong ito sa ikalawang pagkakataon o sa ikatlo kaya hinila ito ni Al-Ash`ath bin Qays. Nagsabi naman siya: "Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat tanging kailangan sa kanila ang ipinapasan sa kanila at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português தமிழ் Nederlands অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം Deutsch नेपाली Кыргызча ქართული Moore Magyar తెలుగు Svenska Македонски ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Oromoo ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ Wolof دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរ Lietuviųالشرح
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga pinuno na humihiling ng karapatan nila mula sa mga tao na pagdinig at pagtalima habang nagkakait sila ng karapatan na tungkulin sa kanila gaya ng pagkakaloob ng katarungan, pagbibigay ng samsam ng digmaan, at pagwawasto ng mga kaapihan at pagsasaayos. Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin na gawin namin sa kanila? Umiwas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito. Para bang siya ay nasusuklam sa mga pagtatanong na ito subalit umulit ang tagapagtanong sa kanya sa ikalawa o ikatlong pagkakataon. Kaya naman hinila ni Al-Ash`ath bin Qays (malugod si Allāh sa kanya) ang tagapagtanong upang patahimikin ito. Sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "Makinig kayo sa sabi nila at tumalima kayo sa utos nila sapagkat tanging kailangan sa kanila ang iniatang sa kanila na katarungan at pagbibigay ng karapatan ng nasasakupan at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo na pagtalima, pagganap sa mga karapatan, at pagtitiis sa pagsubok."فوائد الحديث
Ang pag-uutos ng pagdinig at pagtalima sa mga pinuno sa bawat kalagayan sa anumang nagpapalugod kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), kahit pa hindi sila nagsagawa ng karapatan ng nasasakupan.
Ang pagkukulang ng mga tagapamahala sa tungkulin nila ay hindi nagbibigay-matuwid sa pagkukulang ng mga tao sa pagtumbas sa mga tungkulin nila sapagkat ang bawat isa ay responsable sa gawain niya at pananagutin sa pagkukulang niya.
Ang Relihiyong Islām ay hindi nakabatay sa pakikipagpalitan at nakabatay lamang sa pagsunod sa anumang kinailangan kahit nagkulang ang iba sa kailangan sa kanya sa pagtutumbas, gaya ng nasaad sa ḥadīth na ito.