إعدادات العرض
O Allah, patawarin Mo ako sa pagkakamali ko, kamang-mangan ko, pagmamalabis ko sa nauukol sa akin, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin.
O Allah, patawarin Mo ako sa pagkakamali ko, kamang-mangan ko, pagmamalabis ko sa nauukol sa akin, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin.
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya: "O Allah, patawarin Mo ako sa pagkakamali ko, kamang-mangan ko, pagmamalabis ko sa nauukol sa akin, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allah, patawarin Mo ako sa dibdibang kasalanan ko at pabirong kasalanan ko, at sa pagkakamali ko at sinasadya ko. Lahat ng iyon ay sa akin. O Allah, patawarin mo ako sa anumang kasalanang ipinauna ko at ipinahuli ko, anumang inilihim ko at anumang inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. Ikaw ang nagpapauna at Ikaw ang nagpapahuli. Ikaw sa bawat bagay ay nakakakaya."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português தமிழ் Nederlands অসমীয়া Oromoo Kiswahili ગુજરાતી پښتو አማርኛ ไทย Română മലയാളം Deutsch नेपालीالشرح
Ang Propeta noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dumadalangin sa pamamagitan nitong mga pananalitang dakilang naglalaman ng paghiling ng kapatawaran mula kay Allah, pagktaas-taas Niya, para sa bawat pagkakasala at pagkakamali maging ano man ang hugis nito at anyo nito, kalakip ng pagpapakumbaba at pagkalumbay sa harap ni Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Kaya karapat-dapat sa Muslim na dumalangin kay Allah, pagkataa-taas Niya, sa pamamagitan ng panalanging ito bilang pagtulad sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.التصنيفات
Ang mga Du`ā' na Ipinahatid