إعدادات العرض
O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabago ng kalusugang dulot Mo, pambibigla ng paghihiganti Mo, at lahat ng mga ngitngit Mo
O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabago ng kalusugang dulot Mo, pambibigla ng paghihiganti Mo, at lahat ng mga ngitngit Mo
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Noon ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ay nagsasabi: O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo, pagbabago ng kagalingang dulot Mo, pambibigla ng paghihiganti Mo, at lahat ng mga ngitngit Mo."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Português தமிழ் Русский Nederlands অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી پښتو አማርኛ ไทย Oromoo Română മലയാളം Deutsch नेपालीالشرح
Ito ay dakilang panalanging nagsasabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa paglaho ng biyaya Mo," na nangangahulugang dumudulog ako at nagpapakandili ako sa Iyo laban sa pagkawala ng mga biyaya nang walang kapalit; "pagbabago ng kagalingang dulot Mo," [na nangangahulugang] paglipat ng kagalingang dulot Mo kapalit ng karamdaman o kahirapan o iba pa sa dalawang ito, (yamang siya ay humihiling kay Allah ng kaligtasan sa lahat ng masasama sa dalawang mundo [ng kasalukuyan at Kabilang-buhay); at "pambibigla ng paghihiganti Mo, at lahat ng mga ngitngit Mo," [na nangangahulugang] gayon kami nagpapakandili sa Iyo laban sa pabuyang kaparusahan at pagpapasurang biglaan. Winakasan niya ang panalangin sa pamamagitan ng pagpapakupkop laban sa ikinagagalit ni Allah at ikinangingitngit Niya, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan.التصنيفات
Ang mga Du`ā' na Ipinahatid