إعدادات العرض
Walang anumang lalaki na nagkakasala ng isang pagkakasala – pagkatapos tumindig iyon saka nagpakadalisay, pagkatapos nagdasal iyon, pagkatapos humingi iyon ng tawad kay Allāh – malibang magpapatawad si Allāh doon
Walang anumang lalaki na nagkakasala ng isang pagkakasala – pagkatapos tumindig iyon saka nagpakadalisay, pagkatapos nagdasal iyon, pagkatapos humingi iyon ng tawad kay Allāh – malibang magpapatawad si Allāh doon
Ayon kay `Alīy na nagsabi: {Tunay na ako noon ay isang lalaking kapag nakarinig ako mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sanaysay na magpapakinabang sa akin si Allāh mula roon ng anumang niloob Niya na magpakinabang sa akin niyon at kapag may nagsanaysay sa akin na isang lalaki kabilang sa mga Kasamahan niya, nagpapasumpa ako roon. Kaya kapag sumumpa iyon para sa akin, maniniwala ako roon. Tunay na nagsanaysay sa akin si Abū Bakr at nagtotoo si Abū Bakr. Nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Walang anumang lalaki na nagkakasala ng isang pagkakasala – pagkatapos tumindig iyon saka nagpakadalisay, pagkatapos nagdasal iyon, pagkatapos humingi iyon ng tawad kay Allāh – malibang magpapatawad si Allāh doon. Pagkatapos bumigkas siya ng talatang ito (Qur'ān 3:135): {...na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi sila ng tawad para sa mga pagkakasala nila}."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી Yorùbá اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە සිංහල हिन्दी Hausa Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Tiếng Việt नेपाली Kinyarwanda తెలుగు Bosanski Lietuvių Română മലയാളം Nederlands Soomaali Српски Kurdî Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore Shqip Português ქართული Azərbaycan 中文 Magyar فارسی Македонски தமிழ் Русский বাংলা አማርኛ Malagasy Oromooالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag ang anumang tao na nagkakasala ng isang pagkakasala saka nagpahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos tumindig siya saka nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang may layunin ng pagbabalik-loob mula sa pagkakasala niyang ito, pagkatapos hihingi siya ng tawad kay Allāh, magpapatawad naman si Allāh sa kanya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sabi ni Allāh: {...na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi sila ng tawad para sa mga pagkakasala nila} (Qur'ān 3:135)فوائد الحديث
Ang paghimok sa pagsasagawa ng ṣalāh pagkatapos ng paghingi ng tawad matapos ng pagkakasala.
Ang lawak ng kapatawaran ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang pagtanggap Niya ng pagbabalik-loob at paghingi ng tawad.
التصنيفات
Ang Pagbabalik-loob