Ang alinmang taong nagsabi sa kapatid niya: Ikaw ay Kāfir, nagindapat nga roon ang isa sa dalawa. Kung ito ay gaya ng sinabi niya, ukol iyon dito; at kung hindi naman, babalik iyon sa kanya."}

Ang alinmang taong nagsabi sa kapatid niya: Ikaw ay Kāfir, nagindapat nga roon ang isa sa dalawa. Kung ito ay gaya ng sinabi niya, ukol iyon dito; at kung hindi naman, babalik iyon sa kanya."}

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang alinmang taong nagsabi sa kapatid niya: Ikaw ay Kāfir, nagindapat nga roon ang isa sa dalawa. Kung ito ay gaya ng sinabi niya, ukol iyon dito; at kung hindi naman, babalik iyon sa kanya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi ang Muslim sa kapatid niyang Muslim: O Kāfir, naging karapat-dapat sa salitang Kufr (Kawalang-pananampalataya) ang isa sa kanilang dalawa. Kung ito ay gaya ng sinabi niya, ukol iyon dito; at kung hindi naman, babalik sa nagsabi ang pagpaparatang niya ng kawalang-pananampalataya sa kapatid niya.

فوائد الحديث

Ang pagsawata sa Muslim laban sa pagsasabi sa kapatid niyang Muslim ng hindi naman taglay nito na mga katangian ng kasuwailan at kawalang-pananampalataya.

Ang pagbibigay-babala laban sa masagwang pananalitang ito at na ang tagagawa nito ay nasa isang mabigat na panganib kapag sinabi niya ito sa kapatid niya. Kaya nararapat ang pag-iingat ng dila at na hindi magsalita malibang batay sa isang pagkatalos.

التصنيفات

Ang Islām, Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik