إعدادات العرض
Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Kinyarwanda తెలుగు Lietuvių Română മലയാളം Nederlands Soomaali Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore Shqip ქართული Azərbaycan Magyar বাংলা Македонски தமிழ் မြန်မာ አማርኛ Malagasy Oromooالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang papasok sa Paraiso kundi ang mga mananampalataya at hindi nakukumpleto ang pananampalataya at hindi umaayos ang kalagayan ng lipunang Muslim hanggang sa umibig ang isa't isa sa kanila. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam sa mga bagay-bagay na sa pamamagitan ng mga ito iiral sa lahat ang pag-ibig. Ito ay ang pagpapalaganap ng pagbati ng salām sa pagitan ng mga Muslim, na ginawa ni Allāh bilang pagbati ng mga lingkod Niya.فوائد الحديث
Ang pagpasok sa Paraiso ay hindi mangyayari kundi sa pamamagitan ng pananampalataya.
Bahagi ng kalubusan ng pananampalataya na ibigin ng Muslim para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapalaganap ng pagbati ng salām at pagkakaloob nito sa mga Muslim dahil sa dulot nito na pagpapalaganap ng pag-ibig at seguridad sa pagitan ng mga tao.
Ang pagbati ng salām ay hindi ibinibigay kundi sa isang Muslim, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: "sa pagitan ninyo".
Ang pagkakaloob ng pagbati ng salām ay pagpawi ng pagpuputulan ng ugnayan, pag-iiwasan, at pagkamuhi.
Ang kahalagahan ng pag-ibig sa pagitan ng mga Muslim at na ito ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.
Nasaad sa ibang ḥadīth na ang anyo ng kumpletong pagbati ng salām ay: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)" Sasapat ang magsabi ng: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)"