إعدادات العرض
Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay tumingin diyan.
Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay tumingin diyan.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay tumingin diyan."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Kiswahili Português සිංහල Svenska ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Hausa پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Malagasy नेपाली Čeština Oromoo Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം ไทย Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Shqipالشرح
Ipinababatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na may isang lalaking kabilang sa mga naninirahan sa ilang na dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang patnubayan niya ito sa isang gawaing magpapasok dito sa Paraiso. Kaya sinagot ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang pagpasok sa Paraiso at ang pagkaligtas sa Impiyerno ay nakasalalay sa pagganap sa mga Saligan ng Islam yayamang nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman..." Ito ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh, na siyang Unang Saligan sa mga Saligan ng Islam dahil ang kahulugan nito ay: "walang sinasambang karapat-dapat kundi si Allāh." Ang kahilingan nito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsamba kay Allāh lamang at na hindi magtatambal sa Kanya ng anuman. Ang "magpapanatili ka ng pagdarasal" ay nangangahulugang: "magpapanatili ka ng limang pagdarasal na itinakda ni Allāh at isinatungkulin Niya sa mga lingkod Niya sa bawat araw at gabi kabilang doon ang Dasal sa Biyernes." Ang "magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin" ay nangangahulugang: "magbibigay ka ng zakāh na isinabatas na isinatungkulin ni Allāh sa iyo at ipagkakaloob mo ito sa karapat-dapat dito." Ang "mag-aayuno ka sa Ramaḍān" ay nangangahulugang: "pamamalagiin mo ang pag-aayuno sa Ramaḍān sa oras nito." Ang "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan" ay nangangahulugang: "hindi ako magdaragdag sa gawaing isinatungkuling narinig ko mula sa iyo ng anumang kabilang sa mga pagtalima." Nagdagdag si Imām Muslim: "at hindi ako magbabawas mula rito." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay tumingin diyan." Nangangahulugan ito: "tumingin siya sa Arabeng disyertong iyan sapagkat tunay na iyan ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso kung mamamalagi iyan sa paggawa ng ipinag-utos ko riyan." Batay ito sa ḥadīth ayon kay Abū Ayyūb, malugod si Allāh sa kanya, gaya ng nasa Ṣaḥīḥ Muslim: "Kung kumapit siya sa ipinag-utos sa kanya, papasok siya sa Paraiso." Hindi nabanggit sa ḥadīth ang ḥajj sa Banal na Bahay ni Allāh gayong ito ang Ikalimang Saligan sa mga Saligan ng Islam. Marahil iyon ay noong bago isinatungkulin. Ang buod nito ay na ang ḥadīth ay nagpapatunay na ang sinumang gumanap sa isinatungkulin ni Allāh sa kanya na limang pagdarasal, pag-aayuno sa Ramaḍān, at pagbibigay ng zakāh kalakip ng pag-iwas sa mga ipinagbabawal ay magiging karapat-dapat sa pagpasok sa Paraiso at pagkaligtas sa Impiyerno.