Ang Talbiyah (pagganap, pagtalima) ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Labbayka Allahumma labbayk, Labbayka la shareeka laka labbayk, Innalhamda wan ni'mata laka wal mulk, la shareeka lak.

Ang Talbiyah (pagganap, pagtalima) ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Labbayka Allahumma labbayk, Labbayka la shareeka laka labbayk, Innalhamda wan ni'mata laka wal mulk, la shareeka lak.

Mula kay Abdillah ibn Umar -Malugod sa kanila ang dakilang Allah-: ((Ang Talbiyah (pagganap, pagtalima) ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Labbayka Allahumma labbayk, Labbayka la shareeka laka labbayk, Innalhamda wan ni'mata laka wal mulk, la shareeka lak)). At sabi niya: At dinagdagan siya ni Abdullah Ibn Umar: ((Labbayka labbayka wa sa'ddayk, wal khairu biyadik, war ragbau ilayka wal amal)).

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ipinaliwanag ni Abdullah Ibn Umar -Malugod si Allah sa kanila- na ang paraan o sistema ng Talbiyah ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa hajj at umrah, Labbayka Allahumma labbayk, Labbayka la shareeka laka labbayk. Iyon ay bilang pagtugon sa panawagan ng dakilang Allah sa kanyang mga alipin para magsagawa ng hajj at umrah, at pagiging totoo sa kanya, at pagmalapit sa kanya, at pag-ako sa pag-puri sa kanya, at sa kanyang mga grasya, at bilang panarili sa kanya, at kapangyarihan sa lahat ng kanyang nilalang na wala siyang katambal, at si Abdullahh Ibn Umar ay kanyang dinagdagan ang talbiah na iyon; bilang pagpapatibay: Labbayka Wa Sa'dayk, Wal Khairu Bi yadik War Ragbau Ilayka Wal Amal, ang sukdulan ng "Amal" o ang gawain sa dakilang Allah ay ang pagsadya at pag-gantimpala.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng Iḥrām