إعدادات العرض
Huwag mo siyang patayin sapagkat kung papatayin mo siya, tunay na siya ay nasa kalagayan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa kalagayan niya bago siya nagsabi ng pangungusap na sinabi niya.
Huwag mo siyang patayin sapagkat kung papatayin mo siya, tunay na siya ay nasa kalagayan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa kalagayan niya bago siya nagsabi ng pangungusap na sinabi niya.
Ayon kay Al-Miqdād bin Al-Aswad, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sa tingin mo ba kung nakatagpo ako ng isang lalaking kabilang sa mga Kāfir at naglabanan kami, tinaga niya ang isa mga kamay ko ng tabak at naputol niya ito, pagkatapos ay kumanlong siya mula sa akin sa isang punong-kahoy at nagsabi: 'Sumuko ako kay Allah,' papatayin ko ba siya, o Sugo ni Allah, matapos na sabihin niya iyon?" Nagsabi siya: "Huwag mo siyang patayin sapagkat kung papatayin mo siya, tunay na siya ay nasa kalagayan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa kalagayan niya bago siya nagsabi ng pangungusap na sinabi niya."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو Oromoo አማርኛ ไทย Hausa Română മലയാളം नेपाली Deutsch Malagasy Кыргызчаالشرح
Nagtanong si Al-Miqdād bin Al-Aswad, malugod si Allāh sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Ipabatid mo po sa akin, o Sugo ni Allah, kung nakatagpo ako ng isang lalaking kabilang sa mga Mushrik at naglabanan kami, tinaga niya ako ng tabak at naputol niya ang isa sa mga kamay ko, pagkatapos ay nagkubli siya mula sa akin sa isang punong-kahoy, pagkatapos ay nagsabi: 'Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah,' papatayin ko po ba siya, o Sugo ni Allah, matapos na sabihin niya iyon?" Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo siyang patayin." Nagsabi si Al-Miqdād: "Pinutol po niya ang isa mga kamay ko, pagkatapos ay nagsabi siya niyon matapos niyang maputol ito upang hindi siya mapatay?" Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag mo siyang patayin. Tunay na kung papatayin mo siya matapos ng pagbigkas niya niyan, tunay na siya matapos magawa iyan ay nasa kalagayan mo sa pangangalaga sa buhay bago mo siya pinatay; at tunay na ikaw ay nasa kalagayan niya sa pagwasak ng buhay bago siya nagsabi ng pangungusap na sinabi niya."التصنيفات
Ang Islām