{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan…

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pagkakapatirapa niya saka nagsasabi: "Allāhumma -ghfir lī dhambī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko)" sa pamamagitan ng pagtatakip nito at magsanggalang Ka sa akin sa kahihinatnan nito kaya magpaumanhin Ka, magpalampas Ka, at magpasensiya Ka. "kullahu: (sa lahat ng ito:) Tumutukoy ako sa "diqqahu (kaliit-liitan nito)" maliit nito at kaunti nito. "jillahu (kalaki-lakihan nito) malaki nito at marami nito. "awwalahu (una nito)" unang pagkakasala. "ākhirahu (huli nito)" at anumang nasa pagitan ng dalawang ito. "`alāniyatahu wa-sirrahu. (hayagan nito at lihim nito.)" kabilang sa walang nakaaalam dito kundi Ikaw (kaluwalhatian sa Iyo).

فوائد الحديث

Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim: Ang paghiling ng kapatawaran sa mga pagkakasalang maliliit at malalaki, na pagkaliit-liit at pagkalaki-laki, na una at huli, na lihim at lantaran. Ang paglalahat na ito at ang pagkasaklaw na ito ay upang ang pagbabalik-loob ay ayon sa nalaman ng tao mula sa mga pagkakasala niya at hindi niya nalaman.

Sinabi: Inuna lamang ang "kaliit-liitan" sa "kalaki-lakihan" dahil ang humihiling ay tumataas sa paghiling niya, ibig sabihin: umaakyat at dahil ang malalaking kasalanan ay namumutawi kadalasan mula sa pagpupumilit sa maliliit na kasalanan at hindi pagbibigay-pansin sa mga ito kaya para bang ang mga ito ay mga kaparaanan sa malalaking kasalanan. Bahagi ng karapatan ng pagsusumamo na unahin ito sa pagpapatibay at pag-angat.

Ang pagsusumamo kay Allāh (napakataas Siya) at ang paghiling sa Kanya ng kapatawaran sa lahat ng mga pagkakasala, ang maliliit at ang malalaki.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Dito ay may pagbibigay-diin sa panalangin at pagpaparami ng mga pananalita natin kahit pa nakasapat ang ilan sa mga ito sa iba.

التصنيفات

Ang Patnubay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Dhikr